Add parallel Print Page Options

20 At kaniyang binasbasan sila ng araw na yaon, na sinasabi (A)Sa iyo magbabasbas ang Israel, na magsasabi, Gawin ka nawa ng Dios na gaya ni Ephraim at gaya ni Manases, at kaniyang ipinagpauna si Ephraim bago si Manases.

21 At sinabi ni Israel kay Jose, Narito, ako'y namamatay: (B)nguni't ang Dios ay sasainyo, at dadalhin kayo uli sa lupain ng inyong mga magulang.

22 (C)Bukod dito'y binigyan kita ng isang bahaging higit kay sa iyong mga kapatid, na aking kinuha ng aking tabak at ng aking busog sa kamay ng Amorrheo.

Read full chapter